Thursday, March 24, 2005

'di mo lang alam

by indio i

Hindi ako makatulog na hindi ka pinapangarap
Ikaw ang laging nasa isipan
At ang akala kong minsan ika’y aking niyayakap
Sa pagdilat ko ay unan lang

Paano ko sasabihin sa iyo
Ang tunay na layunin ng puso ko
‘Di mo lang alam, Ikaw ang tanging buhay ko
Kung alam mo lang, Ikaw lang ang iniibig ko

Tuwing ako’y napapalingon, isa lang aking hangarin
Ikaw ang laging nasa isipan
At ang akala ko minsan kaway mo’y para sa akin
Yun pala sa iyong kaibigan lang

Paano ko sasabihin sa iyo
Ang tunay na layunin ng puso ko
‘Di mo lang alam, Ikaw ang tanging buhay ko
Kung alam mo lang, Ikaw lang ang iniibig ko
‘Di mo lang alam, Ikaw ang tanging buhay ko
Kung alam mo lang, Ikaw lang ang iniibig ko

Hanggang kailan ako maghihintay
O sana’y, huwag habang buhay
Huwag na magduda, Ikaw lang ang nag-iisang sinta
At kung akala mo hindi kita mahal, Ikaw na ang nananaginip

Paano ko sasabihin sa iyo
Ang tunay na layunin ng puso ko
‘Di mo lang alam, Ikaw ang tanging buhay ko
Kung alam mo lang, Ikaw lang ang iniibig ko
‘Di mo lang alam, Ikaw ang tanging buhay ko
Kung alam mo lang, Ikaw lang ang iniibig ko

---

wala lang, sobrang love ko lang talaga 'tong song na'to (and yung band, tho, nag-disband na sila)

share ko lng :-)

No comments: