Friday, November 07, 2008

Para kay Ella

Yo bru!

Anong araw or oras na ba jan sa Canada? Ayaw ko mag-do the math eh, mahina ako sa conversion. Anyhow, November 7 na dito sa Pinas. Ibig sabihin, birthday mo na pare! Malamang miss na miss mo na kami noh? Tapos pinipilit mong mag-saya kahit hindi ka naman talaga masaya (paiyakin ba?) Ay teka, may mga friends at fafah ka na nga pala jan, so kahit papano masaya ka narin siguro. Pero iba parin kung kami ang kasama mo. Super duper mega over sa saya! At tiyak mas masarap ang kulitan, laitan, asaran! Dagdag mo pa yung mga hindi inaasahang mga eksena! Kakamiss kami noh?

Speaking of mga eksena, remember last year nung birthday treat mo sa Gilligan's Nakpil? Nung bigla na lang may nagbatuhan ng baso or bote ng beer sa may sulok, sabay sigaw nung isang guy na "wala kang breeding" Si Ronnie biglang natahimik, natatakot din pala ang bading. O diba, sino ba namang hindi makaka-miss sa mga ganong eksena?! Hahaha! Hmm, hindi ko maalala yung eksena nung despedida mo. Ano ba meron nun? Yung mga nagkalat na Koreano sa may Macapagal? Basta, i'm sure meron nung time na un.

After mo umalis nung May, mejo marami ka na namiss. Tama ka, parang nananadya yung mga subordinates natin. Kung kelan ka umalis, saka biglang nagparamdam yung mga institusyon, like shempre, first on the list, si Tanda, este Aileen, Khite, Janet, Ate Vi (atleast nagparamdam parin kahit paalis na uli sha), Ligz, si Bondat nabuhay (naubusan na siguro ng dahilan), at shempre ang pinakamamahal ni Kuya Jimmy, si Guia! Ay before I forget, ang mala-trianggulong eksena nina Magda, Dennis Prudente at Ate Lourdes. Sa birthday pa mismo ng anak mo naganap ang mga pangyayari! Buti na lang kahit absent ka sa party ni Andre, present naman kaming mga ninang. :) At special guests pa sina Jollibee, Hetty at Mr. Yum. Si bading tuloy hindi magkanda-ugaga magpakuha ng picture. Bwahaha!

Uyy, at lately lang, ang lolo Mara nabuhay narin. Which reminds me, si Bato nga pala matagal ng buhay at ang mga damoves nya sayo, ay kaloka! Hindi ko rin kinaya! Ayan tuloy, buo na naman ang Bato-Ella-Mara love triangle. Hmm...love square or rectangle ata kasi si Ronnie, nag-eemote rin. May mga eksena pa ang bading na "bigla naman akong kinabahan." Asus! Forever sabit talaga si Ronnie.

Hay, tama na nga. Babatiin lang naman kita kaya ako nag-post nito. Napahaba na tuloy. Bakit nga ba ako napakwento? Kasi naman potah, miss na kita bru! Grabe, ilang months ka palang jan pero parang ang tagal mo ng wala. Kunsabagay, sige jan ka muna. Ipon ka maraming-maraming pera tas i-share mo samen. :) O kaya, sagot mo bakasyon namin jan para atleast makasama mo kami uli diba? Hehe!

Osha, greet na nga kita before ko pa makalimutan. Happy happy birthday Ella! Naway maging kasing-saya ng celebration mo dito yung party mo jan sa Canada. Mwah! :)

PS
Lapit na pasko, sama mo sa padala mong christmas box, ck truth na perfume, kate spade na bag, saka kid's size na slippers. Sige na, pa-birthday at christmas gifts mo saken. ;-) Hahaha!

**some pics nung despedida ni Ella


No comments: