Sana naman wag mag-moment ang lrt tomorrow. :(
Sobrang nastressed ako pag-uwi when i got to Tayuman station and walang lrt. Super commute tuloy ako from Tayuman to Edsa Rotonda! Hangsakeeet sa pwet at sa likod! And to make things worse, umuulan pa! So shempre traffic-ness! Idagdag mo narin ang noise & air pollution. Plus pagod, antok and gutom. Stressed to the highest level! Hindi naman ako makatulog, kasi shempre, bawal mag-tanga-tangahan. Kelangan alerto at baka, alam mo na, magka-holdapan. Malas pa naman ako sa mga ganon. Impractical naman mag-taxi. Actually, wala kasi akong pang-taxi. Hehe! Haayy! Namiss ko tuloy bigla ang Antonio Rivera. Kahit walang lrt, taxi, jeep, pedicab or trike, kaya kong lakarin pauwi samen. Pero from Tayuman to Paranaque, isang malaking goodluck. Waaah! Kaloka talaga 'tong araw nato. Parang Monday lang.
Haay! Punuan na nga sa umaga ang lrt, hassle pa sa gabi! Ibalik nyo ko sa Makati! (naks, rhyming :D)
Oh well, tomorrow is another day. Good vibes, please.
Tuesday, June 21, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)